Pinoy Teenage Pregnancy on the rise, RHBILL is a Defective solution
Hindi ako naniniwalang RHBill ang solusyon sa lumulobong population ng mga Pinoy. Kulang sa bangis at maliwanag na kasagutan ang RHBill. Dapat kailangang pilitin ng gobyerno ang media na palitan ang palabas sa TV at sinehan. Hindi dapat puro relasyon, drama, hiwalayan at paseksihan ang nakikita ng mga tao lalo na ng mga kabataan. Ilang artista na ba ang nakita natin na naghiwalayan at nag-asasawa o nakikisama sa iba after na hiwalayan?
Condom at Contraceptives na bibilhin ng gobyerno sa mga Phramaceutical companies worth Billions of Pesos ay pagwawaldas lang. How are they planning to distribute it? Expect ba nila na ang mga nakatira sa ilalim ng tulay or squatters area eh bago makipag-talik eh hihingi muna ng contraceptives sa health centers? Expect ba nila na ang mga kabataan na may mga mapupusok na damdamin ay gagamit man lang ng mga contraceptives na ipamimigay?
Dapat sana eh, moral values ang pag-tuunan ng pansin ng Gobyerno. More advertisements about family togetherness. More campaign about proper values. Hindi lang teenage pregnancy ang maayos natin, baka pati crime rate ay bumaba ng tuluyan. Naniniwala akong ang RHBill ay pagwawaldas lang ng oras at pera ng kaban ng bayan. RHBill is just a band-aid solution. Wala kang maipapakitang statistics na sa dumaan ng dekada eh, nakatulong ang condom at contraceptives sa pag-lobo ng population.
Marami pa ring anak sa labas, illegitimate children with the existence of Condoms & Contraceptives sa botika. Hindi ba dapat eh mas maraming gamot na lang ang bilhin para sa mga nag-kakaTB at iba pang sakit ng mga Pinoy na nasa government hospitals? RHBILL does not give us clear answer.
Rise in teenage pregnancy ‘due moral values breakdown’
http://www.sunstar.com.ph/cagayan-de-oro/local-news/2012/05/01/rise-teenage-pregnancy-due-moral-values-breakdown-219196
More teens becoming moms
http://www.sunstar.com.ph/baguio/feature/2012/06/28/more-teens-becoming-moms-229120
PH tops teenage pregnancy in SEA
http://newsinfo.inquirer.net/186201/ph-tops-teenage-pregnancy-in-sea
PHL has highest number of teenage pregnancy in SEAsia
http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=801269&publicationsubcategoryid=200
Teenage pregnancies in Philippines rise 70-percent over 10 years - UNFPA
http://www.interaksyon.com/article/30434/teenage-pregnancies-in-philippines-rise-70-percent-over-10-years---unfpa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Yes its alarming,, ano ba ginagawa ng govierno natin? ano din ba ginagawa ng MTRCB? Puro artista kasi ginagaya ng ating mga kabataan. Pinapakita din kasi sa Media na ok lang makipag relasyon kahit bata pa. ex. DAniel padilla and C. Bernardo and etc.. Hindi magandang tularan..
ReplyDeleteTama.. may point ka.. nasan nb kasi yung mga palabas nung bata pa kami.. like hiraya manawari, bayani, sineskwela, mathinik, epol apol, batibot, at iba png mga palabas na pambata? Hays sana yun nlng ulit.
ReplyDeleteTama.. may point ka.. nasan nb kasi yung mga palabas nung bata pa kami.. like hiraya manawari, bayani, sineskwela, mathinik, epol apol, batibot, at iba png mga palabas na pambata? Hays sana yun nlng ulit.
ReplyDelete