"Kotong" cop surrenders, with 2 lawyers to defend him



Magkano ba sweldo ngayon ng SPO4? P20,000 or P30,000? Tapos nakakuha ng 2 abogado si "Kotong Cop" Quezon City Senior Police Officer 4 Jose dela Peña ? So wala siyang balak umamin at handang niyang ipaglaban ang sarili niya? Kung wala siyang kasalanan, bakit naman nagtago pa siya ng ilang araw at noong lumitaw siya eh, ayaw naman niyang magsalita? Right to remain silent ha.

I think it's not just a coincidence na anak ng General ang nakabangga nila Senior Police Officer 4 Jose de la Peña and Police Officer 3 Resty del Rosario. Baka napagod na ang langit sa mga kabulastugan ng 2 Kotong Cops na ito? Hindi ko lang lubos na maisip eh, saan kumuha ng pambayad sa abogado ang mga pulis na ito? May backer ba sila or madami na lang talaga ang na-kotong nila kaya may ipon na sila for hiring lawyers. 2 Abogado? Bakit naman kailangan pang 2 abogado? Pwede naman na isa lang ah?

Pro Bono Lawyers? So 2 abogado ang nag "volunteer" to defend the rights of Kotong Cops? Mas maraming nangangailangan na mahihirap na nasa kulungan na can't afford ng abogado, 2 kotong cops pa ang napiling ipagtanggol ng "libre" abogado. Ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas?

Kung totoo man ang paratang sa Kotong Cops na ito, sana eh, matanggal na sila sa pag-kapulis at makulong pa. At para naman doon sa 2 abogado, sana naman eh, makapag-isipisip kayo na hindi lang sa pera nabubuhay ang tao. Maganda din samahan ng kaunting prinsipyo at dignidad ang buhay natin.

"Kotong" cop surrenders
http://www.abs-cbnnews.com/image/images/09/10/12/kotong-cop-surrenders
http://ph.news.yahoo.com/kotong-cop-surrenders-182611530.html

2 QC cops in hot water for extortion try on NCRPO chief’s son
http://newsinfo.inquirer.net/265332/2-qc-cops-in-hot-water-for-extortion-try-on-ncrpo-chiefs-son

QC cop in extort scandal surrenders
http://newsinfo.inquirer.net/267708/kotong-cop-in-extort-scandal-surfaces-at-qc-police-station-keeps-mum

2 cops go into hiding after failed extort try on police official’s son
http://businessmirror.com.ph/home/nation/32417-2-cops-go-into-hiding-after-failed-extort-try-on-police-officials-son

Extortionist cop surfaces in QCPD
http://www.tribune.net.ph/index.php/metro-section/item/4098-extortionist-cop-surfaces-in-qcpd

No comments:

Post a Comment